14,000 katao sa Myanmar, lumikas matapos ang pagbaha

Mahigit 14,000 katao ang lumukas na residente ng Bago city, Myanmar matapos bahain ang kani-kanilang tahanan dahil sa malakas na pag-ulan.

Sa silangang lungsod ng Bago, umabot hanggang baywang ang baha kaya’t gumamit na ang mga residente ng bangka o mga goma na gulong, habang dumadaloy ang mga alon sa mga saradong tindahan at bahay.

Noong Linggo, iniulat ng mga awtoridad na 200 mm o halos walong pulgadang ulan ang bumagsak sa Bago, hilagang-silangan ng commercial hub Yangon.

Halos 5,600 katao naman ang tinatanggap ng lokal na pamahalaan sa kani-kanilang temporary relief centers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *