Naglabas ng yellow at red alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa kabuoan ng Luzon power grid ngayong araw.
Sa anunsiyo ng NGCP ang yellow alert ay mula alas-9:00 ng umaga hangang ala-una ng hapon at alas-4:00 ng hapon hangang alas 9:00 ng gabi.
Ang red alert naman ay itinaas sa pagitan ng ala-una ng hapon hangang alas-kwatro ng hapon ngayong araw.
Ayon kay NGCP Spokesman Atty. Cynthia Alabanza kabilang sa mga dahilan ng pagtataas ng alerto ay ang force outages ng 7 power plants kung kaya’t nagkaroon ng limitadong suplay ng kuryente dahil sa pagkawala ng 3,627 mega watts.
Sa ngayon kasi ay nasa 10,727MW ang available capacity sa Luzon grid na masyadong malapit sa
peak Demand na umaabot sa 10,585 MW.
Nabatid na ang yellow alert ay nangangahulugang walang sapat na energy reserves para patakbuhin ang generating unit subalit hindi naman ito magrereulta ng power outages.
Habang ang red alert ay itinataas kapag mas lumalala pa ang power supply na maaring magdulot ng mga rotational power interruptions.
