Mga behikulong papayagan para sa drive-thru vehicle registration ng LTO, tinukoy

LEGAZPI CITY – Binigyang-linaw ng Land Transportation Office (LTO) Bicol na hindi lahat ng mga sasakyan o behikulo ay makakapag-avail ng drive-thru vehicle registration services ng kanilang opisina.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay LTO Bicol Regional Director Francisco Rances, Jr., inihayag niyang tanging ang mga light vehicles lamang katulad ng mga tricycle, motorcycle, at mga four-wheel vehicles ang mga tatanggapin para sa nasabing proseso ng pagrerehistro.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Aniya, hindi pa rito pahihintulan ang mga heavy vehicles katulad ng mga trucks. Layunin ng drive-thru registration na maging magaan para sa mga drivers ang kanilang pagrerehistro.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Matatandang kamakailan lamang ay inilunsad na ng LTO ang drive-thru registration services sa lalawigan ng Camarines Sur.

Samantala, wala pa namang opisyal na pahayag ang opisina kung magkakaroon din ng gayong proseso sa lalawigan ng Albay.