Inlove na sasalubungin ni Yassi Pressman ang Valentine’s Day matapos ibinahagi ng aktres ang isang espesyal na sandali kasama si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte sa Instagram.
Napakita sa post ang dinaluhan nilang kasal at sa huling slide, may isang nakakakilig silang sorpresang ibinigay.
Nagkiss ang dalawa habang may mga fireworks sa kanilang background at tumutugtog ang Coldplay ng Sky Full of Stars.
Bagama’t hindi pa nila pormal na ibinubunyag ang kanilang relasyon, sinabi ni Yassi noong nakaraang taon na sila ni Luigi ay nagkakakilala at gumugugol ng mas maraming oras na magkasama.
Dati nang engaged si Yassi sa entrepreneur na si Jon Semira, ngunit ibinunyag na naghiwalay sila noong Agosto 2023.
