Xander Ford, magiging tatay na

Opisyal nang inanunsyo ni Xander Ford na magiging tatay na umano siya para sa anim na buwang ipinagbubuntis ng kanyang nobya.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Xander ang positibong pregnancy test at ultrasound ng kaniyang nobyang si Gena Magno.

Excited narin malaman ni Xander ang gender ng kanilang magiging baby.

Sa hiwalay naman na post ng kanyang nobya, inamin ni Gena batid niyang marami ang huhusga sa maagang pagkakaanak nila ni Xander, pero hindi naman umano doon natatapos ang journey naming dalawa para sa kanilang mga pangarap.

Para sa kanya, magsisilbing inspirasyon nila ang kanilang anak para mas pag igihan pa sa buhay.

Sa huli, nakiusap naman si Gena sa mga basher na sila na lang ni Xander ang batikusin, at huwag ang kanilang magiging anak.