63 day care development centers sa Daraga, Albay, pormal nang binuksan para sa pagsisimula ng F2F classes

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Local Government Unit (LGU) Daraga na pormal nang binuksan ang animnapu’t tatlong day care development centers sa nasabing bayan para sa pagsisimula ng face to face classes.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Daraga, bago nagsimula ang klase ay nagsagawa muna ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng “Bayanihang Makabata,” o ang sabay-sabay na aktibidad para sa paghahanda ng mga silid-aralan sa pagbubukas ng klase.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ang hakbang na ito ay base sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Council Advisory 8 series of 2022 na Safe Reopening of Early Childhood Education (ECE).

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Maliban pa rito, nagsagawa rin ng monitoring ang MSWDO sa pamamagitan ng pagbisita sa mga child development centers upang masiguro na handa ang lahat sa pagpapatupad ng safety health protocols