Workers na makikilahok sa natl COVID vaxx days, hindi absent

Hindi ikokonsiderang absent sa kanilang mga trabaho ang mga empleyado at manggagawa ng gobyerno, maging mula sa private sector na makikilahok sa vaccination drive, sa kondisyong magpapakita sila ng katibayan ng pagbabakuna sa kanilang mga employers.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Sa gitna nito, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local government units na i-mobilize ang lahat ng resources, stakeholders, health human resources, at constituents.

Nanawagan rin ng suporta at kooperasyon ang pangulo sa lahat ng health workers, kabilang na ang mga doktor, nurses, midwives, pharmacists, dentists, at medical technologists para tumulong sa COVID-19 vaccination sa three-day campaign.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Ang Nov. 29, Nov. 30 at Dec. 1 ay ideneklara ng pangulo bilang national COVID-19 vaccination days, kaugnay sa inoculation drive ng gobyerno.