Naglabas ng public apology ang Hollywood actor na si Will Smith dahil sa ginawa niyang pananampal sa komedyanteng si Chris Rock sa Oscars’ awarding ceremony.
Humingi rin si Will ng paumanhin kay Chris na kaniyang sinampal sa stage nang magbiro ang komedyante tungkol sa pagiging kalbo ng misis ng aktor na si Jada na dumalo rin sa 94th Academy Awards, maging sa Academy, mga producer ng show, mga dumalo at sa lahat ng nanuod sa buong mundo.
Aminado si Smith, na ang anumang uri ng violence ay nakakasira, at iginiit na ang kanyang ugali sa gabi ng Academy Awards ay hindi katanggap-tanggap at inexcusable.

Sa gitna nito, binigyang diin ng aktor na ang mga biro sa kanya ay bahagi lang ng trabaho, pero ang biro hinggil sa medical condition ng kanyang asawang si Jada ay hindi niya matatanggap, kaya emosyunal umano ang kanyang naging para dito.
Mababatid na noong 2018 nang ihayag ni Jada ang kaniyang kondisyon sa buhok na Alopecia. //MHEL PACIA-TRINIDAD