Nagnegatibo sa cancer ang TV host na si Willie Revillame, ilang araw matapos itong humiling sa publiko ng dasal para sa kanyang kalusugan, nang sumailalim siya sa colonoscopy na nagpapakita ng polyps sa loob ng kanyang katawan.
Aminado si Revillame na hindi siya nakatulog bago makuha ang resulta, pero handa naman daw siyang sumailalim sa operasyon kung kinailangan.
Nagpasalamat naman ito sa mga nagdasal para sa kanya, at pinayuhan ang publiko na sumailalim sa regular checkups.

Pagbubunyag ng TV host na noong March 28, nakita ng kanyang doktor na suspected cancerous polyps sa loob ng kanyang tiyan at colon, matapos ang ginawang checkup.
Nilinaw naman nito na mayroon na siyang polyps noong 2019, pero ito umano ay ikinonsidera na ng kanyang mga doktor na benign, sa panahong iyon. //MHEL PACIA-TRINIDAD