Wilbert Tolentino, nag-resign bilang manager ni Herlene Budol

Inanunsyo ni Wilbert Tolentino ang kanyang pag-bitiw bilang manager ni Kapuso actress at beauty queen Herlene Budol.

Ayon kay Tolentino, uunahin niya muna kalagayan ng kanyang kalusugan, dahilan ng pagbitiw sa pamamahala sa showbiz career ng sikat na aktres.

Ngunit palaisipan sa mga netizens kung ito ba talaga ang totoong rason dahil maraming isyu ang bumungad matapos idinaos ang Miss Grand Philippines noong nakaraang linggo.

Sa patimpalak nito, nakitaan si Hipon Girl ng hindi magandang reaksyon noong nakaronahan siyang Miss Philippines Tourism 2023.

Dagdag pa rito ang spekulasyong pinapatamaan ni Tolentino ang aktres tungkol sa kanyang attitude, pero ito’y nanatiling hindi kumpirmado.