Wigo, nahulog sa bangin; driver, sugatan

Sugatan ang 29-anyos na si John Clifford nang mahulog sa bangin ang kanyang minamanehong wigo sa Kilometer 24 ng Barangay Sta Lucia, Puerto Princesa City, Palawan bandang alas-syete ng umaga noong Linggo, Ika-19 ng Mayo.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ayon sa PNP, mula sa bayan ng Balabac, Palawan ang sasakyan at patungo sana sa Puerto Princesa City nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver bago dumeretso sa bangin na may lalim na aabot sa labing limang (15) metro.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan si Clifford at dinala sa Luzviminda Satelite Clinic bago isinugod sa Ospital ng Palawan.