Whistleblower Jun Lozada, makukulong matapos katigan ng SC ang graft conviction

Kinatigan ng Supreme Court ang modification ng graft ruling laban kay NBN-ZTE deal whistleblower Rodolfo Noel “Jun” Lozada Jr. dahil sa pagbibigay ng leasehold rights hinggil sa public lands sa kanyang kapatid sa ilalim ng government-owned corporation program.

Sa 17-pahinang resolusyon, ibinasura ng kataas-taasahang hukuman ang petisyon ni Lozada at ng kanyang kapatid na si Jose Orlando Lozada, at hinatulan ang mga ito ng minimum imprisonment na anim na taon at isang buwan at maximum imprisonment na 10 taon at isang araw.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Matatandaan na noong 2007, inakusahan ng Ombudsman si Lozada ng partiality at pagbibigay ng unwarranted benefits nang igawad niya ang 6.599 hectares ng public land sa kanyang kapatid sa ilalim ng Lupang Hinirang Program ng Philippine Forest Corporation (Philforest).

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Si Jun Lozada ang presidente ng Philforest sa panahong iyon.

Noon naman August 2016 nang hatulan ng Sandiganbayan ang magkapatid na guilty sa kasong graft.

Samantala, sumang-ayon rin ang SC sa Sandiganbayan na ang magkapatid ay nagsabwatan sa isa’t-isa.