SORSOGON CITY – Handa na sa muling pagbubukas ang tinaguriang “Whaleshark Capital” ng mundo sa bayan ng Donsol sa lalawigan ng Sorsogon.
Napinalisa sa isang multi-sectoral meeting ang safety nets, alituntunin, at susunding protocols para masiguro ang kaligtasan ng mga turista at residente ng lugar.
Dinaluhan ang pagpupulong ng mga lokal na opisyal ng bayan kasama ang Sorsogon Provincial Tourism, Culture, and Arts Office o PTCAO.
May paalala naman ang pamunuan ng nasabing opisina sa lahat ng bibisita sa nabanggit na tourist spot na maging disiplinado at sundin ang lahat ng alituntuning nailatag para tuloy-tuloy na ang pagbukas ng industriya ng turismo sa lalawigan.
Magugunitang inanunsyo noong nakaraang linggo ng Department of Tourism na “all systems go” na sila sa pagbubukas muli ng turismo sa bansa.
Nakapagtala na ng mahigit 9,000 na turista mula sa ‘visa free’ countries ang bansa sa huling tala nito noong Pebrero 14, habang may namataang apat naman sa Donsol noong Pebrero 13.
