NAGA CITY- Mainam pa sana kung ipinagpatuloy at ipagpapatuloy ang Weekend Lockdown sa Naga City kung ang City Analytics Group ang tatanungin , ito ang pahayag sa Brigada News FM Naga ni Mr. Willy Prilles. Ang trend line kasi ng kanilang graph , hindi tuluyang bumaba ng dirediretso. Subalit binigyang diin nitong iginagalang ang desisyon at naiintintindihan nilang kailangan mabalanse ang ekonomiya ng business hub na lungsod at makapaghanapbuhay ang mga mamamayan.
Aniya malaking tulong ang mahigpit na restrictions sa weekend lockdown, dahil dito bumaba ng husto ang kaso subalit saka naman nagpalabas ng bagong quarantine classification ang Interagency Task Force na balik sa Modified Community Enhanced Quarantine ang Naga City at granular lockdown lamang ang pinapayagan.
Samantala, kinuwesyon nina Prilles at LGU Naga ang ulat ng Manila Bulletin na source ang OCTA research kung saan sinasabing mataas ang one-week growth rate, positivity rate, at mean reproduction rate. Hindi ito tugma sa ulat ng Analytics team.
61% umano ang one-week growth rate sa 61-COVID cases mula Oct. 9-15 , hindi aniya umaabot sa mahigit 50 ang naitatalang kaso nang nasabing panahon. 38% ang average at hindi nila alam kung saan kumuha ng data ang OCTA ayon pa kay Prilles.
Nakakabahala ito dahil ang record ang pinagbabasehan ng IATF sa pagdedesisyonng quarantine classification.
Magkaiba man aniya ang datos, ang malinaw ay dapat na tutukan ang istriktong pagpapatupad ng mga polisiya at mga ordinansa ng lungsod may kaugnayan sa pag-iingat sa COVID-19.