Wala nang interes si WBO bantamweight champion Paul Butler para labanan si dating Pinoy titlist na si Johnriel Casimero.
Ginawa ni Butler ang pahayagm matapos ang apela ni ‘Quadro Alas’ kay WBO president Paco Valcarcel na bigyan siya ng isang pagkakataon na makalaban ang English fighter.

Paliwanag ni Butler dalawang beses nang naunsiyami ang sana’y laban nila ni Casimero dahil sa pagiging unprofessional ng huli.
Dahil dito mas focus umano si Butler na makalaban ang japanese pound-for-pound king na si Naoya Inoue.
Nabatid na unang itinakda ang laban ng dalawa noong December 11, 2021 subalit hindi natuloy matapos tamaan ng viral gastritis si Casimero sa araw ng weigh-in.
Hindi rin natuloy ang re-scheduled fight ng dalawa noong Abril matapos ang paglabag nito sa weight cut guidelines.