PRRD, umapela kay VP-elect Sara na ituloy ang war-on-drugs sa mga paaralan

Hinikayat ni outgoing President Rodrigo Duterte sa kanyang anak na si Vice Preisdent-elect Sara Duterte na ipagpatuloy nito ang kanyang kampanya laban sa iligal na droga.

Ayon sa Pangulo, dapat ay ituloy ng susunod na administrasyon ang mga hakbang para masugpo ang kalakaran ng ipinagbabawal na gamot sa Pilipinas.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ngayong itinalaga si Sara bilang susunod na kalihim ng Department of Education, hinikayat ito ng Pangulo
ang kanyang anka na magkaroon din ng mga anti-illegal drugs programs sa mga paaralan.

Paliwanag nito, ang kabataan ang sektor na pinaka-vulnerable na malulong sa droga.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sila rin umano ang pinaka-apektado rito kaya dapat maprotektahan ang mga estudyante.

Matatandaang una nang sinabi ni President-elect Bongbong Marcos na bukas siya sakali mang maging drug czar ang outgoing President ngunit hindi niya na ito tinanggap.
#