KORONADAL CITY — NAGBABALA ngayon ang City Veterinary Office o City Vet ng Koronadal sa mga nagbabalak magdala ng mga pork by-products o poultry animals na walang kaukulang dokumento na kukumpiskahin lamang ito sa lungsod kung walang maipapakitang kaukulang dokumento.
Ito’y may kauganayan sa patuloy na paghihigpit ng Koronadal matapos naitala ang kaso ng African Swine Fever o ASF sa mga bayan ng Banga at Surallah habang bird flu naman sa katabing Sultan Kudarat at North Cotabato.
Ayon kay Dr. Charlemagne Calo, city veterinarian ng Koronadal na kukumpiskahin nila ang mga pork by-products na walang kaukulang dokumento.
Kukumpiskahin din umano ang mga avian species kagaya ng bibi, pato, manok at iba pa na walang kaukulang dokumento upang ibiyahe.
Susunugin umano ang mga pork by-products habang isasailalim naman sa culling ang mga poultry animals upang hindi na kumalat pa ang posibleng sakit na dala ng mga ito sa lungsod.
