Wattah! Wattah! Festival sa San Juan – umarangkada na

Idinaos ngayon ng San Juan City local government ang “basaan,” na isang tradition at bahagi ng Wattah! Wattah! Festival 2024.

Ito ay bilang paggunita sa patron saint ng bayan na si St. John the Baptist.

Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang parada sa mga kalye ng siyudad, kasama ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Lumibot din sa kalsada ng San Juan ang Santong Tao floats, kasabay ang malaking float na may imahe ng naturang santo.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Una nang sinabi ni Zamora na lilimitahan nila ang paggamit ng tubig sa “basaan” parade upang makatipid sa tubig, lalo pa’t hindi pa nakare-recover ang mga dam mula sa epekto ng El Niño.

Dahil dito, tatlong truck lamang ang pinahintulutan makiisa sa selebrasyon.