Mga kaanak at taga-suporta ni dating pangulong Noynoy Aquino – ginunita ang kaniyang third death anniversary

Inalala ng ilang mga kaibigan at tagasuporta ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang ika-3 death anniversary.

Sa X post ni dating Senador Leila de Lima, sinabi nitong lagi siyang magpapasalamat kay PNoy para sa tiwalang ibinigay nito sa kanya.

Lagi raw tinitiyak sa kaniya ng yumaong pangulo ang kanyang suporta – nung pinili niya ito bilang Justice Secretary hanggang sa mapunta ito sa pinakamahirap na yugto ng kanyang buhay.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Maliban kay de Lima, nagpahayag din ng kaniyang pasasalamat si dating senador Bam Aquino para sa pagtatanggol at pagmamahal umano ni former president Noynoy sa Pilipinas.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Samantala, dinaluhan naman ng ilang mga mahal sa buhay at supporters ng dating pangulo ang isang misa sa Manila Memorial Park sa Parañaque.

Kabilang sa mga ito sina dating Senate President Franklin Drilon, at ang anak ni Kris Aquino na si Josh.