Pinasinayaan na ang Water System Project ng San Marcelino Water District sa Brgy. Buhawen.
Ito ay para magkaroon ng sapat at malinis na tubig sa eastern barangays ng San Marcelino lalo na tuwing tag-init na nagkakaroon ng kakulangan ng suplay ng tubig.
Kasama ng mga kawani ng water district, mga lokal na opisyal at mga residente ay pinasinayaan ito nakalipas na araw ng Byernes, kasabay nito ang pagdiriwang ng San Marcelino Water District ang kanilang ika-21 anibersaryo.
Ang bagong water system facility ay may isang unit na elevated tank, at Concrete Ground Reservoir, Deep Well Drilling at isang 25kv generator set.//Jen Bayot
Photo: San Marcelino PIO