May nakikita nang bahagi ng lumubog na MTKR Jason Bradley sa Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan.
Ito ay base sa monitoring ng Philippine Coast Guard sa isinagawang seawater siphoning nitong araw ng Lunes. Ayon kay CG Lieutenant Commander Michael John Encina, may bahagi na ng lumubog na motor tanker ang lumutang at ang contracted salvor umano ay hahatakin naman sa mas ligtas at malapit na dalampasigan ang barko kung saan dito gagawin ang pagsipsip sa 5,500 litro ng diesel oil.
Matatandaan na maliban sa Motor Tanker Terra Nova, isa pa sa tinututukan ng PCG at ng Lokal na Pamahalaan ay ang nabanggit pang tanker.//Jen Bayot
Photo: PCG