NAGA CITY – Nagsagawa ng flood control activities ang mga personahe ng Irrigation Management Offices Operations and Maintenance ng National Irrigation Administration-Bicol sa ilang dam sa Camarines Sur na posibleng maapektuhan ng matinding ulan na dala ni Bagyong Carina, kabilang na rito ang Lake Buhi Control Structure, Cagaycay Dam sa Goa, Camarines Sur at Barit Dam sa Iriga City.
Sa nangyayaring fish kill na naman sa Buhi Lake na kung saan maraming mga tilapia ang mga namatay, na ayon naman kay Maria Cleofe “Nikay” Baraero, Public Information Officer ng NIA-Bicol, walang kinalaman ang kanilang “structure” dahil hindi pa naman umaabot sa critical level ang tubig doon.
Sa kanyang paliwanag sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang bukod sa ginagawang paglilinis ,naka-monitor pa rin ang kanilang mga IMO personnel sa mga dam, pati na rin sa drainage systems lalong lalo na sa mga palayang may irigasyon para sa agarang aksyon nila sa magiging epekto ng ulan ni Carina.