CAMARINES NORTE- Maaari na ngayong ipadala ang water bill sa mga customer sa pamamagitan ng cellphone.
Ngayong buwan ay ni- rollout ng Primewater Camarines Norte ang pagamit ng QR code kung saan maaaring i- enroll ng customer ang kanilang contact numbers.
Ayon kay Branch Manager Engr. Mark Anthony Muroda, sa pamamagitan nito ay magre- register ng cellphone number at email address.
Kapag naka- register na sa sytem ang contact number o email address ng customer ay maaari nang ipadala dito ang water bill.
Sinabi ni Muroda na simula na ito ng kanilang digitalization at bilang bahagi ng customer relation at ang madaliang pag access sa opisina.
Maliban dito maaari rin umanong magbayad ng water bill sa pamamagitan ng GCash, payment center at online banking.
Kung nagbayad sa pamamagitan ng GCash ay maaaring iprisenta ang confirmation code nito sa opisina para makakuha ng official receipt o kung nakapag register na sa system ay maaari na itong matanggap sa email.
Sa ngayon kasi umano ay nag- u upgrade sila ng system at kahit application ay maaari na ring gawing online.
Kung maaalala maging ang Camarines Norte Electric Cooperative ay pinaigting ang kanilang online platform.
Sa halip na face to face ay ginagawa na via zoom ang Pre- Membership Seminar.
Ang mga hakbang na ito ay tugon ng mga nabanggit na opisina lalo na sa panahong ito ng pandemya bilang pag – iingat sa pagkalat ng virus.

