Washington humingi ng tulong sa Canada para mabawasan ang dumaraming bilang ng mga migrants sa US-Mexico border

Humingi ng tulong ang Washington sa Canada para mabawasan ang dumaraming bilang ng mga migrants sa US-Mexico border

Ayon kay spokeswoman Kristina Rosales, posibleng pumasok sa isang trilateral agreement ang Canada, US at Mexico sa pagpupulong ng tatlong bansa sa Mexico para sa North American Leaders’ Summit

Ang kasunduan ay makatutulong sa libu-libo migrants sa pamamagitan ng mga legal channels nang hindi kinakailangang ilagay ang kanilang buhay sa kamay ng mga human traffickers.

Noong 2022, ikinulong ng US authorities ang nasa 2.2 milyong migrants sa border ng Mexico.//CA