Warden ng Malabon City Jail, sinibak sa pwesto sa naganap na noise barrage

Sinibak sa pwesto ang Warden ng Malabon City Jail kasunod ng nangyaring noise barrage kaninang hapon ng mga persons deprived of liberty sa naturang piitan.

Ayon kay BJMP spokesperson Chief Insp. Jayrex Joseph Bustinera, tinanggal na muna sa kanyang pwesto si JSupt. Joseph Tacdoy habang gumugulong ang imbestigasyon sa insidente.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Nagtalaga na rin ng OIC sa piitan.

Alas 7:30 kagabi nang ideklara ng BJMP na back to normal na ang sitwasyon sa Malabon City Jail.

Nagsimula aniya ang noise barrage matapos na ibiyahe ang dalawang mayor papunta ng Bicutan. Aniya may court order naman sa naturang paglilipat pero sa gitna nito ay sumiklab ang kaguluhan na nagresulta ng paninira ng gamit ng mga PDL.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Batay sa natanggap nilang reklamo, hindi umano patas ang ginagawang paglilipat sa preso ni Supt. Tacdoy.