War on drugs campaign, magpapatuloy- PDEA 12

KORONADAL CITY- BAGAMAT natapos na ang Duterte administration, magpapatuloy pa rin ang war on drugs campaign ng pamahalaan.

Ito ang inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 regional director Naravy Duquiatan alinsunod sa kanilang mandato.

Ayon kay Duquiatan na magpapatuloy ang kanilang pagsasagawa ng high impact operations at pagtutok sa mga high value targets.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa ngayon, nasa sustainability stage na aniya ang kampanya kontra droga ng rehiyon 12 at kailangan na lang itong ipagpatuloy.

Mula noong 2016 hanggang April 2022, umabot na sa P 81.98 million na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng PDEA 12 sa 7,788 at mga anti-drug operations na naging dahilan ng pagkakahuli ng mahigit sa 6,000 na mga drug users at pushers.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Samantala, pinasalamatan naman opisyal ang Balay Silangan Reformatory Center ng South Cotabato sa bayan ng Tupi dahil malaking tulong nito sa pag-reporma sa mga drug personalities.