KORONADAL CITY- NAG-EPEKTIBO na simula noong July 16 ang dagdag na P 500 sa minimum wage ng mga domestic workers o mga kasambahay sa Soccsksargen region.
Ito ay batay sa naaprubahang Wage Order No. RBXII-DW-03 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB Region 12.
Dahil dito, ang mga kasambahay sa mga cities at 1st class municipalities ang ay makakatanggap na ng minimum wage na P 4,500 kada buwan habang P 4,000 naman sa ibang munisipyo.
Ang wage adjustment ay dahil sa patuloy ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Hinihikayat naman ng RTWPB 12 ang mga kasambahay na hindi binibigyan ng tamang pasahod ng kanilang mga amo na mag-report sa regional o mga field offices ng Department of Labor and Employment o DOLE o sa kanilang mga barangay officials.
