Wanted sa rape, boluntaryong sumuko

SORSOGON CITY – Boluntaryong sumuko ang isang akusado sa panghahalay na nakatalang No. 2 most wanted person ng Pto Diaz Police.

Nakilala ang sumuko na si Juan Destajo Dumalaon, 55-anyos, may asawa at naninirahan sa Brgy Tupaz ng nasabing bayan.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Ayon sa ulat, magbibiyahe na sana ang tracker team ng Pto Diaz Police papuntang Bulacan para isilbi ang arrest order sa akusado nang makatanggap ang mga ito ng tawag mula sa Punong Barangay ng Tupaz.

Ayon kay Kapitan Ramil Dematera, ang nasabing akusado ay boluntaryong sumuko sa kanya at nasa kustudiya na nila ito.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Sa bandang huli ay isinilbi na ng pulisya ang warrant of arrest sa akusado na inilabas ng RTC Br 54 sa kasong rape na may relasyon sa RA 7610 o Child Abuse na walang itinakdang piyansa.

Ang akusado ay nasa kustudiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.