Flood control project sa Cauayan City, magsisimula na; tulong mula sa national government, wala pa

Nagsagawa ng on-site inspection ang lokal na pamahalaan ng Cauayan City katuwang ang tanggapan ng Cauayan City Engineering Office para sa ilulunsad na Flood Control Project sa Brgy.  Carabatan Chica.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Cauayan City Engr. Edward Lorenzo, makikinabang sa naturang proyekto ang mga barangay na malapit na labis na naapektuhan ng pagbaha noong nakaraang taon.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Matapos manalasa ang baha sa lungsod ay nagsumite si Cauayan City Mayor Bernard Dy sa national government ng proposal na sinuportahan naman ng City Engineering Office.

Ayon pa kay Engr. Lorenzo na matatagalan ang pagdating ng pondong ibibigay ng national government kaya’t napag-usapan ng Cauayan City Council kasama ng kanilang tanggapan na kumuha na sa local sources dahil nalalapit na naman ang tag-ulan.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Dagdag pa niya, kung sakali man na hindi umabot ang naturang pondo sa national government para sa flood control sa mga retailing walls ay kukuha at gagamitin nila ang disaster funds ng lungsod para sa inisyal at alternatibong relokasyon sa mga nakatira malapit sa ilog.

Hinihintay na lamang ang pagdating ni City Mayor Dy para sa ikakaplantsa ng naturang proyekto.