LEGAZPI CITY – Huli ang isang 45 anyos na lalaki sa Brgy. Kimantong, Daraga, Albay dahil sa kasong Vawc. Kinilala ang akusado na si Alyas Jojo, residente ng Purok 3, Brgy. Rawis, Legazpi City.
Ayon sa report, umaga ng puntahan ng mga awtoridad ang lugar na kinaroroonan rin ng akusado na may standing warrant of arrest na pirmado noong Marso 9 2022 dahil sa paglabag nito sa RA 9262 o VAWC.
Aabot sa P72K ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Agad na dinala sa himpilan ng Legazpi city police station si alyas Jojo para sa kaukulang disposisyon.