LEGAZPI CITY – Huli ang isang 24 anyos na lalaki sa SM Legazpi Barangay Bitano lungsod ng Legazpi dahil sa kasong Vawc.
Kinilala ang akusado na si alayas Dominggo residente ng P4 Barangay Salvacion bayan ng Daraga Albay.
Ayon sa report, hapon ng puntahan ng mga awtoridad ang lugar na kinaroroonan ng akusado na pinagsanib pwersa ng Daraga mps, Legazpi cops at RIU 5 na may standing warrant of arrest na pirmado noong Marso 15 2022 dahil sa paglabag sa sec 5(i) ng RA 9262 o VAWC.
Aabot sa P120K ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Agad na dinala sa himpilan ng Daraga mps si Dominngo para sa kaukulang disposisyon.