Subsidiya para sa mga mahihirap na kunsomidores patuloy na ginagawa ng Canoreco

CAMARINES NORTE- Tuloy- tuloy na ginagawa ng Camarines Norte Electric Cooperative ang programang Pantawid Liwanag para sa mga mahihirap na kunsomidores ng kuryente.

Noong nakaraang linggo ay nagsagawa ng payout ang naturang kooperatiba ng kuryente sa mga benepisyaryo ng Pantawid Liwanag 3 at 4 sa iba’t- ibang bayan.

Ginanap ang Payout ng Pantawid Liwanag 3 sa Basud Old Sports Complex para sa mga beneficiary mula sa mga bayan ng Basud, Capalonga at San Lorenzo Ruiz.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Habang ginanap naman ang Payout ng Pantawid Liwanag 4 sa Daet Municipal Covered Court para sa mga beneficiary  mula sa mga bayan ng Daet, San Vicente, Sta. Elena, Paracale, San Lorenzo Ruiz at Talisay.

Katuwang ng Canoreco sa nasabing aktibidad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ang Pantawid Liwanag ay isang programa ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association (PHILRECA) na subsidiya sa kuryente kung saan ang target ay ang mga mahihirap na Pilipinong konsumidor ng kuryente sa kanayunan na ang pangunahing pinagmumulan ng kita at kabuhayan ay lubhang naantala ng krisis dahil sa COVID- 19.