PATAY ang dalawang Top 2 most wanted person ng Lanao del Sur Police Provincial Office at sinasabing myembro din ng Dawlah Islamiah Mautre Group matapos makipagpalitan ito ng putok habang isinisilbi ang warrant of arrest sa bayan ng Barira, Maguindanao.
Ayon sa report mula sa Barira Municipal Police Station, ang mga suspek ay nakilalang sina Maganduga Mitmug Madlawan at Hassanor Dilna Madlawan na pawang may kinakaharap na kasong murder o pagpatay.
Ihahain sana ng mga otoridad ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Alberto Quinto na may criminal case no. 0665-2019 laban sa dalawang suspek ng makipagbarilan ito sa mga otoridad.
Sugatan naman ang isang pulis sa operasyon na agad ding dinala sa RHS BAR at kalaunan ay inilipat sa Notre Dame Hospital para sa karampatang lunas.
Narekober naman sa mga suspek ang isang Colt MK IV series 80 na may isang magazine at live ammunitions at isang Para Ordnance P. 45 na may isang magazine at 3 live ammunitions.