Walong ka-tao, huli sa iligal na sabong (tampor) sa Brookes Point

Inaresto ng pulisya nitong Linggo, ika- 24 ng Setyembre ang walong ka-tao sa Barangay Oring-Oring Brooke’s Point, Palawan.

Ayon sa Brookes Point PNP, nahuli sila sa akto habang may ginaganap na iligal na sabong (tampor) sa lugar.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Nahuli sila sa pangunguna ni PCPT. SIR DHAYRIUS L REDONDO kasama ang iba pang law enforcement unit.

Sa lugar, kinumpiska ng pulisya ang mga ebidensya tulad ng labing-isang manok na tandang, mga pera at sabong paraphernalia.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Samantala, kasong paglabag sa Presidential Decree no. 1602 (Illegal Gambling) ang kinakaharap ngayon ng mga nahuli.