Inilibing na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang walo pang hindi nakuhang mga bangkay ng mga persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City.
Ayon sa BuCor, kabuoang 148 sa 176 unclaimed remains ang nailibing na sa NBP cemetery.
Mababatid na ang 176 na mga bangkay ay nadiskubre noong nakaraang taon na nakatago sa Eastern Funeral Services sa Alabang, Muntinlupa City.
Samantala, muling binigyang diin ng naturang pasilidad na sa ilalim ng liderato ni BuCor Acting Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr, isusulong ng bureau ang kanilang mga reform programs para mag-alok ng compassionate care para sa lahat ng PDL.
