Mga palayan sa sa Milaor,  Camarines Sur nagmistulang dagat

NAGA CITY – Nagmistulang dagat ang mga palayan sa limang barangay sa Milaor Camarines Sur, epekto ng tubig-baha na dala ng halos walang tigil na pag-uulan sa lalawigan, mula pa noong nakalipas na mga araw.

Ang mga palayang lubong sa baha ay sa Barangay Balagbag, Flordeliz, San Roque , Del Rosario at iba pang nasa highway lamang.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon kay Edwin Olitoquit, ang head ng Milaor Municipal Disaster Risk Reduction Management Office nahihirapan na makalabas ang tubig sa naturang barangay kaya naiipon ito sa mga palayan.

Nakapanghihinayang dahil karamihan sa mga ito ay mga bagong tanim pa lamang at dahil sa nalubog ito sa tubig, tiyak na mabubulok ito, sabi pa ni Olitoquit.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa panayam sa kanya ng Brigada News FM Naga, napag-alaman na ang mga apektadong magsasaka ay dumulog na rin sa kanilang opisina para humingi ng tulong, lalo na sa Department of Agriculture.

Libreng binhi at abono ang naibigay ng DA. Maganda sana kung na-insured ang mga palayan kahit papano ay makukuhang suporta pinansiyal kahit na kaunti lamang,sabi pa ng MDRRM Officer.