Mahigit 400 registered fishermen sa Sagñay, Camarines Sur, na hindi pa nakakapagpalaot , nabigyan ng tulong

NAGA CITY – Nasa 605 na mga rehistradong mangingisda sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur ang naapektuhan at ilang araw nang hindi nakakapagpalaot at dahil sa naranasang pag-uulan dulot ng Shear line at Amihan.

475 na ang na-ayudahan at nabigyan ng food packs na may lamang bigas, kape at mga de lata mula sa Department of Social Welfare and Development Office-Bicol at LGU.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Municipal Mayor Jovi Fuentebella, sinabi nitong naging prayoridad nila ngayon ang mga mangingisda sa bayan matapos kasing pagbawalan ang mga itong pumapalot ng halos ilang araw na rin dahil sa gale warning. May mga Barangay ang kinakailangan nang mabigyan lalo na ang nasa Barangay Atulayan, Nato, Patitinan at Barangay Bongalon.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Samantala, sa Garchitorena, Camarines Sur, naman may ilang mangingisda at magsasaka na rin ang nabigyan ng tulong mula sa Pamahalaan. Nabigyan rin ng relief goods ang dalawang barangay sa bayan na naapektuhan ng pagbabaha.