Wage hike bills, diringgin pa rin ng Kamara sa kabila ng umento sa sahod sa NCR

Patuloy na diringgin ng House Committee on Labor and Employment ang mga panukalang batas na magpapatupad ng dagdag-sahod sa mga mangggawa sa kabila ng inaprubahang umento sa minimum wage sa Metro Manila.

Ayon kay Committee Chairperson at Rizal Representative Fidel Nograles, pag-uusapan pa rin sa Kongreso ang panukalang 150 pesos hanggang 350 pesos na dagdag sa suweldo ng mga manggagawa.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Ang target aniya ay makahanap ng magandang kompromiso na tutugon sa pangangailangan ng mga manggagawa ngunit hindi ikalulugi ng employers.

Naniniwala rin si Nograles na napapanahon ang wage hike sa NCR dahil magdudulot ito ng agarang ginhawa sa minimum wage workers bagama’t hindi pa natatapos dito ang laban para sa kanilang kapakanan.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Iginiit pa nito na mahalaga ang mga hakbang na higit pa sa umento sa sahod na magpapababa naman sa “cost of living”.

Paliwanag ng kongresista, kailangang magpatupad ng sustainable measures sa agrikultura, transportasyon, enerhiya, edukasyon at kalusugan.

Mababatid na nakabinbin pa sa committee level ang mga panukala gaya ng 750 pesos na across-the-board increase at 150 pesos na legislated wage hike.