Pope Francis, nagpa-abot ng pagbati kay Pangulong Marcos at sa mga Pilipino

Ipina-abot ni Vatican Secretary for Relations and States and International Organizations Archbishop Paul Gallagher ang pagbati ni Pope Francis kay Pangulong Bongbong Marcos, sa mga Pilipino at sa simbahang Katolika sa bansa.

Sa courtesy call kahapon ng Arsobispo sa Malakanyang, sinabi nitong pinahahalagahan ni Pope Francis ang mga Pilipino dahil sa kanilang kontribusyon sa simbahang Katolika, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Binigyang-diin naman ni Pangulong Marcos ang vibrant relationship ng Pilipinas sa the Holy See sa loob ng 73 taon mula pa nang maitatag noong taong 1951.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Samantala, dadalo rin si Gallagher sa Plenary Session ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa Malaybalay Bukidnon ngayong araw.