PNP – nakahandang magbigay ng karagdagang seguridad kay dating Cong. Teves

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na magbigay ng karagdagang seguridad kay dating Congressman Arnolfo Teves Jr.

Ito’y makaraang katigan ng Timor-Leste Court of Appeals ang extradition request ng bansa para sa pagharap ni Teves sa patong-patong na kaso kaugnay sa pagpasalang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at 9 na iba pa, degamo at 9 na iba.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Nauna nang sinabi ng DOJ na inaasahang mapapauwi na si Teves sa bansa ngayong Hulyo.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa national bureau of investigation o nbi na syang pangunahing ahensya na nakatalaga sa usapin ng seguridad ng dating mambabatas.

Read More:  Ukrainian firm facing money laundering charges sent funds to Duterte-linked company

Nauna nang sinabi ni Fajardo na nakahanda rin ang PNP Custodial facility sa Kampo Crame sakaling kailanganin ng pansamantalang pagpipiitan kay Teves.