Wage adjustment sa Central Luzon, epektibo na simula June 20

Epektibo na simula June 20 ang first tranche ng umento sa sahod ng mga manggagawa sa Central Luzon.

30 pesos muna ang magiging dagdag sa sahod ng mga manggagawa ngayong June 20, habang sa January 01, 2023 na ipapatupad ang additional na 10 pesos.

Sa ilalim ng wage order no. RBIII-23 ang minimum wage ngayon sa Region 3 maliban sa Aurora ay nasa 450 pesos para sa mga non-agriculture establishment na merong sampu o lagpas na manggagawa, habang 443 naman sa mga non-agriculture establishment na may mababa sa sampung manggagawa.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Para naman sa mga agriculture establishment, ang mga plantation worker ay may minimum wage na 420, sa mga non-plantation naman ay 404 pesos.

Sa mga manggagawa naman na nasa retail/service establishment ang daily minimum wage ng merong sampu o lagpas sampung manggagawa ay 439, at 425 naman sa mababa sa sampu ang manggagawa.

Sa lalawigan ng Aurora, ang daily minimum wage rate para sa mga non-agriculture workers ay 399.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

384 para sa mga plantation workers sa agriculture establishments, at 372 para sa non-plantation workers.

Sa mga nasa retail at service establishments sa Aurora,  nasa 334 na ang kanilang daily minimum wage.

Samantala ang mga kasambahay o domestic worker naman sa Gitnang Luzon ay dapat ring makatanggap ng kanilang monthly wage na 5, 000 pesos  para sa mga nasa chartered cities at 1st class municipalities, habang 4, 500 sa mga munisipyong hindi kabilang sa nabanggit.