Employers na umiiwas sa kontribusyon, muling binulaga ng SSS

Sorpresang nagsagawa ng Run After Contribution Evaders (RACE) operation ang Social Security System Sorsogon Branch sa bayan ng Donsol kung saan may 7 delingkwenteng employers ang binisita at inisyuhan ng written order.

Dalawa dito ang may paglabag sa non-reporting habang lima sa non-remittance na aabot sa mahigit P300K kung saan 32 empleyado ang naapektuhan.

Read More:  Forest fire affects 7 hectares in Davao de Oro

Sa datos ng SSS-Sorsogon, nakasaad na ‘as of’ June 18, may kabuuang 79 na employers na ang nabisita ng RACE team simula noong 2022 kung saan 9 na dito ang fully paid ng kanilang contribution para sa 113 na kanilang empleyado na umabot sa kabuuang halaga na mahigit P1.2M.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Ito na ang pang-pitong RACE ngayong taon at pang 12 simula noong Abril 2022.