VP Sara, nagpahayag ng pakikiramay sa pamilya ng mga napatay na sundalo sa Lanao del Norte

Kinilala ni Vice President Sara Duterte ang mga sundalong nasawi sa engkwento ng militar at ng ilang Maute Group members.

Sa iseng video message, sinabi ni Duterte na hindi matutumbasan ng anumang salita ang ipinakitang kapabayanihan ng naturang mga sundalo.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Binigyang-diin din nito na ang ginawa ng mga militar ay kapalit ng kaligtasan ng mga Pilipino hindi lang sa Mindanao kung ‘di sa buong Pilipinas.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sumasaludo umano ang bayan sa kabayanihang pinamalas ng mga sundalo.

Sa huli, nagpahayag ng pakikimay ang bise presidente sa mga pamilyang naiwan ng mga nasawing militar.