VP Sara – handa raw magpasailalim sa psychiatric test

Sinagot ni Vice President Sara Duterte ang naging reaksyon ni Justice Sec. Boying Remulla sa kaniyang mga tirada sa mga Marcos.

Sabi ni VP Sara, bilang isang abugado ay hindi raw naintindihan ni Remulla ang kaniyang mga sinabi, at ipinaliwanag ang ipinagkaiba ng ‘desecration of the dead’ at ‘desecreation of a body’.

Tiniyak pa ng bise na handa siyang magpasailalim sa isang neuropsychiatric exam pati na rin drug test.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Aniya, wala raw siyang problema rito at game siya sa hamon ng ilang mga mambabatas.

‘Yun nga lang, naniniwala siyang ‘unstable’ din ang ‘Young Guns’ na humiling ng testing sa kaniya.

Dahil dito, kung magpapa-test siya, dapat din daw magpa-test ng Young Guns, pati na rin ang iba pang tatakbo.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Maaalalang unang sinabi ni Remulla na labag sa Revised Penal Code ang desecration of the dead, at hindi rin daw ito nakakatawa.

Tugon ito ng Justice Secretary sa nabanggit ni VP Sara na huhukayin niya ang mga labi ni Marcos Sr. at itataypon niya sa West Philippine Sea.