VP Sara Duterte, nagbukas ng OVP satellite offices sa ilang mga rehiyon

Nagbukas si Vice President Sara Duterte ng satellite offices sa anim na rehiyon sa bansa upang mas mapadali ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamayan doon.

Kabilang dito ang Dagupan sa Region 1, Cebu sa Region VII, Tacloban sa Region VIII, Zamboanga sa Region IX, Davao sa Region XI at Tandag Surigao del Sur sa Region XIII.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Matatandaang ipinag-utos naman sa kanya ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pag-review sa kasalukuyang K to 12 program sa bansa.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Samantala, titingnan din umano ni Duterte ang posibilidad ng 100% na pagbabalik ng face to face classes sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic. (ARGIE ERGINA)