Ad agency na nasa likod ng birthday greeting kay Imelda Marcos, nag-sorry na

Humingi ng tawad ang Digital Out of Home Philippines (DOOH) matapos pumalag ang direktor ng ‘The Kingmaker’ na si Lauren Greenfield kaugnay sa paggamit ng kanyang picture na wala umanong paalam.

Ayon sa DOOH, hindi umano sila aware sa copyright nito at nagpapasalamat sila na inabisuhan sila tungkol dito kung saan agad nila itong tinanggal.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Matatandaang isang billboard ang ipinaskil sa may Epifanio delos Santos Avenue bilang pagbati sa ika-93 na kaarawan ni dating First Lady Imelda Marcos.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Samantala, sinabi ng naturang ad agency na bukas silang itama ito at handa umano silang tumulong kay Greenfield kung kakailanganin nito. (ARGIE ERGINA)