Muling isinumete ni Albay Representative Edcel Lagman ang pagiging legal ng absolute divorce sa Pilipinas.
Ayon kay Lagman, isinusulong niya ang House Bill No. 78 sa 19th Congress upang mapalaya ang ilang kababaihan sa pang-aabuso sa isang relasyon ng mag-asawa.

Aniya, isa itong ‘apt sequel’ sa kanyang authored Reproductive Health Act kung saan beneficial umano ito sa mga asawang babae.
Samantala, kaparehong batas ang naipasa sa third reading ng House of Representatives sa 17th Congress pero hindi ito inaksyunan ng Senado. (ARGIE ERGINA)