VP Robredo, tiniyak ang maayos na koordinasyon at transition kay VP-elect Duterte

Pormal nang nagpaabot ng pagbati si outgoing Vice President Leni Robredo kay VP-elect Sara Duterte.

Sa isang pahayag, tinanggap na ni Robredo ang imbitasyon ni Duterte na magkaroon ng initial meting sa pagitan ng kanilang mga transition teams.

Read More:  ICC seeks additional protection for 55 witnesses in Duterte trial

Ayon kay Robredo, handa ang kanilang kampo na makipag-kita sa team ni Duterte at gawin ang lahat ng mga kinakailangang hakbang para sa maayos na pagsasalin ng opisina.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Tiniyak din nito na handa silang sagutin ang anumang katanungan at iba pang pangangailangan nina Duterte.

Itinalaga naman ang chief-of-staff ni Robredo na si Usec. Philip Dy upang contact person sa transition team ng incoming VP.
#