VP Leni pormal nang inanunsiyo ang pagtakbo sa pagka-Pangulo

Pormal nang inanunsiyo ni Vice President Leni Robredo ang kanyang pagtakbo sa pagka-Pangulo sa 2022 Election.

Ginawa ng pangalawang pangulo ang kanyang official announcement sa harap ng kanyang mga supporters sa kanyang opisina sa Quezon City Reception House.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sa kanyang talumpati sinabi ng bise-presidente na buo ang kanyang loob at tinatanggap niya ang hamon para tumakbo sa pinakamataas na posisyon.

Muling makakaharap ni Robredo ang kanyang mahigpit na katunggali sa vice-presidential race noong 2016 na si dating senador Bongbong Marcos na una nang naghain ng COC kahapon.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Maliban kay Marcos makakatapat din ng bise-presidente sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo Lacson, at Senator Manny Pacquiao.