VP Leni, hinimok ang gobyerno na magpakita ng konting tapang laban sa China

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpakita ng kahit konting tapang laban sa Beijing.

Ito ay matapos sabihin ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian na ang tagumpay ng Manila sa arbitral court laban sa claims ng China sa halos buong South China Sea, ay maituturing na “waste paper”.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Halos kapareho ito ng sinabi ni Pangulong Duterte noon na ang ruling ay isang kapirasong papel lamang na pwedeng itapon sa wastebasket.

Sinabi ni Robredo na hindi na siya nasorpresa sa pahayag ng Chinese official.

Pero sinabi niya na “unnecessary” at “unfortunate” ang tono ng nasabing pahayag.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Ipinunto ni Robredo sa kaniyang video message na inaasahan naman talaga na isusulong ng mga gobyerno ang interes ng kanilang mga bansa, kahit minsan ay binabali na nila ang lohika sa proseso.

Binigyang diin ni Robredo na sana ay magpakita ng kaunting tapang ang gobyerno, dahil habang umaatrasa tayo ay lalo tayong madidiin.